May delivery ako sana ng (won’t specify what product). Tinanong ko yung cliente kanino ko idedeliver at saan. Binigay naman nya ang name. Ito ang catch. Di nya matandaan ang address. (ayos diba?) Nung finollow-up ko kung alam na nya yung address, di pa daw nya alam. Tinext ko ang isa kong kaibigan (since kapareho apelydeo niya at yung kaibigan ng cliente, and since around the area naman yung tirahan, may chance na baka related sila) kung may kilala syang ganung name. Meron daw, pero magkaiba ang trabaho nung kilala nya sa kaibigan ng cliente ko. So back to square one. Sinabi ko sa cliente ko na mahihirapan akong hanapin yung kaibigan nya sa laki ba naman ng South. (won’t specify where, pero ganun ka vague yung address) Ang sabi ba naman, “tanung mo nalang sa guard.” (parang gusto kong iuntog ulo ko sa pader, pramis) – True Story